Pagda-download ng mga application sa Google Play™
Ang Google Play™ ay ang opisyal na online na store ng Google para sa pag-download
ng mga application, laro, musika, pelikula at aklat. May kasama itong parehong libre at
binabayarang application. Bago mo simulang mag-download mula sa Google Play™,
tiyaking mayroon kang gumaganang koneksyon sa internet, mas mainam sa
pamamagitan ng Wi-Fi para limitahan ang mga singil sa trapiko ng data. Para sa higit
pang impormasyon, tingnan ang
Pagpayag o pagtanggi sa mga awtomatikong update
sa application
sa pahinang 67.
Para magamit ang Google Play™, kailangan mo ng Google™ account. Maaaring hindi
available ang Google Play™ sa lahat ng bansa o rehiyon.
Upang mag-download ng application mula sa Google Play™
1
Mula sa
Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Play Store.
3
Maghanap ng item na gusto mong i-download sa pamamagitan ng pagba-browse
ng mga kategorya, o sa pamamagitan ng paggamit ng function ng paghahanap.
4
Tapikin ang item upang matingnan ang mga detalye nito, at sundin ang mga
tagubilin upang makumpleto ang pag-install.
Maaaring kailangan ng ilang application na mag-access ng data, mga setting at iba't ibang
mga function sa iyong device upang gumana nang ayos. Mag-install at magbigay lang ng mga
pahintulot sa mga application na pinagkakatiwalaan mo. Maaari mong tingnan ang mga
pahintulot na ibinigay sa isang na-download na application at palitan din ang status ng mga ito
sa pamamagitan ng pagtapik sa application sa ilalim ng
Mga Setting > Apps.